Ilan laman ito sa mga kwentong hindi ko inaasahang matawa ang mga kausap ko!
1. Kwento sa pagitan naming mag-ina.
Andjo: Mom, ang saya saya ko!
Mom: At bakit naman?
Andjo: Nakapulot kasi ako ng pera eh.
Mom: Talaga? Magkano?
Andjo: $10
Mom: Wow! Saan?
Andjo: Sa kotse mo!
2. Kwento sa pagitan naming magkaibigan.
Kaibigan: (habang nagsasagot ng HW) 9x2=18 diba?
Andjo: Depende sa gusto mo!
3. Habang magdo-donate ng dugo.
Kaibigan 1: Magdonate tayo ng dugo para may free t-shirt tayo!
Kaibigan 2,3: tara!
Kaibigan 2: Di ba dapat hindi kumain para makapag donate?
Kaibigan 1,2,3: Oo nga noh? pero ask nalang muna natin sila para sure tayo.
Kaibigan 1: (Nagtanong sa taga kuha ng dugo kung pedeng magdonate kahit hindi pa kumakain.)
Taga kuha ng dugo: Nope, dapat kumain kayo ng breakfast para pag nag-donate kayo eh hindi kayo mahilo.
Kaibigan 1,2,3: Babalik nalang po kami.
Taga kuha ng dugo: ok.
Andjo:(biglang sumingit), si Kaibigan 3 kumain na madami ngayon breakfast, nagdala pa nga ng cookies pagpasok eh.
Kaibigan 3: Hindi kaya, wala pa nga akong kinakain eh.
Andjo: Ah hindi pa ba? kala ko kasi dessert mo na yun eh!
4. Payabangan naming magkaibigan dahil sa bagong biling kotse.
Kaibigan: Tol, wala ka sa kotse ko ang bilis at ang sarap i-maneho.
Andjo: Oh talaga? Iba talaga pag bago yung kotse noh?
Kaibigan: Hindi naman, eto lang talaga yung dream car ko.
Andjo: At least nakuha mo yung dream car mo, ano pa bang meron dyan sa kotse mo?
Kaibigan: May sun roof, automatic yung dashboard at leather yung seats. iko-customize ko pa nga to eh! yung sayo ba di mo na kelangan susian para magstart?
Andjo: Di ako sure eh, ganito ba yun?(sumakay kami sa kotse ko para tingnan)
Andjo: eto ba yun tsong(tinuro yung susian ng kotse)
Kaibigan: Kelangan susian yung sayo eh.
Andjo: ah, wala ako nun. Pero meron ako nito na wala yung sayo(may tinurong pindutan)
Kaibigan: Ano yan?
Andjo: pindutan!
Kaibigan: para saan? parang wala ata ako nyan!
Andjo: Para i-eject palabas yung mga katulad mo!
5. During class.
Andjo:(talking to classmate)
Prof: Caught Angelo talking.
Prof: Angelo, since you're talking, do you know what interferon does to our body?
Andjo: Well, not really sure, but I know someone who does.
Prof: Who?
Andjo: You!