Monday, April 25, 2011

Paano ba maging totoong kaibigan?

May mga bagay na bumabagabag samin ng mga kaibigan ko. Nagtatanong, nagtataka, naghahanap ng sagot sa mga katanungan na marahil kayo ay natanong nya na rin sa sarili nyo.

Paano mo ba masasabing TOTOONG KAIBIGAN ka?

Tanong na marahil mahirap sagutin dahil wala naman talagang nakakaalam kung paano nga ba, diba? Pero dahil naumpisahan na lang din naman sa tanong eh bigyan ko na kayo ng choices(sa bandang huli nitong entry ko ay may ishe-share ako sa mga naging sagot ng aking bespren...enjoy!)

PAANO MO MASASABING TOONG KAIBIGAN KA?
A. Pag lagi kang nandyan para sa kanya
B. Pag napapatawa nyo ang isa't isa at masaya kayong magkasama
C. Pag hindi mo nijajudge ang pagkatao nya
D. Pag hindi ka nagtatanong tungkol sa nangyayari sa buhay nya?


Eto naman ang sagot ng isa mga natanungan ko.


hhmmm... anuveh naman... hindi ka man lang dumaan sa easy question.. lumaktaw ka agad sa difficult!!!

bigla tuloy ako napaisep..

eka pede itemized ko kc pati ako napaisip ng matindi eh..

A) kung ang basehan eh lagi kang anjan eh pano na kung napadestino ka sa afghanistan? ibig bang sabihin nun di na kauu fwends? pano kung masyado malayo ang time difference nyu at ilang kilometro ang lau ng bahay mo sa bahay nya.. o kaya trapik at walang taxi na magpasakay sau papunta sa kinaroroonan nya...ibig bang sabihin hindi ka totoong kaibigan?

* Pero kung hindi mo sasantuhin ang lubak-lubak na kalsada, kung hindi mo iindahin ang sama ng panahon, kung carry mong maging eyebugs na tinubuan ng mukha, kung trip mong mag-alay lakad para mapuntahan, makasama, makausap at makabonding ang kaibigan mo pwes pedeng sagot ang letter A.

B) kung ang basehan naman eh ung laughing trip nyu.. eh pano na ung oras at pagkakataong kelangan nyung magkwentuhan ng mga ka-emotan sa buhay-buhay nyu? pano kung may bago at magandang pelikula si Sarah Geronimo pero alam mong drama movie ito.. hindi mo na ba pedeng yayain ung fwend mo kc alam mong hindi naman kau tatawa pag pinanood nyu ito?

* Pero kung after nyu mag open forum ng mga kadramahan sa buhay nyu, after nyu manood ng tele-drama marathon ng kapuso at kapamilya channel eh impromtu ang jokes at mga banat nyu para maging magaan ang pakiramdam ng bawat isa o dili kaya pagtawanan ang mga bidang artista eh ok un.. hindi maiaalis na maging down syndrome paminsan-minsan pero kung magagawa mong maging comedy ang mga ito pwes pedeng sagot ang letter B.

C) Kung ang basehan ang hindi mo pagjudge ang pagkatao nya eh pno na lang kung sasali sya sa beauty contest eh di dapat lahat ng kasali eh panalo na lang.. tinawag pang contest diba? pano na lang kung nasangkot sya sa isang gulo at kelangang humarap sa husgado... eh di dapat wala ng kulungan sa mundo?

* Pero minsan ung pagsasabi ng opinion eh ang nagiging kahulugan eh judgemental ang isang tao.. lahat naman ng tao entitled sa opinion nila... at kung kaibigan mo ngang tinuturing sya dapat pareho kaung bukas at hindi narrow ang pag iisip.. minsan sa pagkakaibigan.. hindi lang ung lahat ng gus2ng marinig ang sinasabi sa isat-isa.. depende lang un kung paano mo ito ite-take ang mga sinasabi sau ng kaibigan mo.. pwes pede ring sagot ang letter C.

D) Kung ang basehan naman eh ung hindi ka nagtatanong ng tungkol sa kanya eh bat pa naimbento ang salitang kamusta? o how are you? eh di sana lahat na lang eh icon, avatar o kaya smiley face!

* Pero kung ang simpleng kamusta eh bibigyan ng malalim at malawak na kahulugan.. ibig sabihin concern ka sa mga nangyayari sa buhay nya.. hindi ung wala kang pakialam o dili kaya for the sake na makasagap ka ng chismis! Siguro tamang timing lang sa pagtatanong ang kelangan.. hindi ung halimbawang nagluluksa tatanungin mo OK KA LANG BA eh baka nga masampiga ka pa lolz! Depende sa tanong... pwes pede rin ang letter D.

conclusion >>> di dapat ako ang tinatanong mo dahil 167 lang ang fwends ko sa fb 85% pa nun kamaganak ko wahahhaha!

Kidding aside, ikaw lang ang makakasagot nyan dahil baka hindi ko naman kaibigan ung kaibigan mo o ibang level ang friendship naming dalawa kesa sa level of friendship nyu. Kahit si einstein pa ang tanungin mo hindi kau pareho ng sagot.. pedeng hindi ka rin makumbinse sa mga sagot ko kc nga iba ung nasa sa puso mo.

pero kung ako ang tatanungin mo.. wala sa choices na nasa itaas ang sagot ko kung ikaw na bespren ko ang tinutukoy ko... hindi tayo laging nagkikita, nagkakausap sa chat/txt at email dahil wala naman un sa communication at distance... hindi rin tayo malimit na nagtatawanan hindi kita naja-judge kc alam ko kung ano at sino ka.. sa akin bilang bespren, hindi kita madalas matanong ng tngkol sau pero hindi ibig sabihin wala akong paki... dahil alam ko at sa mga dasal ko... walang darating sau na hindi mo kaya....

ang haba.. sana lang may sense mga pinagsasasabi ko...

love you bespren kew!







Ano ang kaibigan para sayo?

Nabasa ko lang to at mukhang napapanahon sa nangyayari sa mundo ngayon.hehe

PANO MO BA MALALAMAN KUNG TOTOO KANG KAIBIGAN? YUN BANG LAGING NANJAN PAG KAILANGAN MO? YUN BANG LAGING HANDANG TUMULONG SAYO.. PERO MINSAN HINDI SA LAHAT NANG BAGAY NARIYAN SIYA SA TABI MO. DAPAT MAGING HANDA KA PAG NAG-IISA KA NA LANG. MAY SARILI DING BUHAY ANG KAIBIGAN MO HINDI SA LAHAT NANG ORAS AT PANAHON MATUTULUNGAN KA NYA. SA NGAYON CNO LANG BA ANG KAIBIGAN KO? NAPAISIP AKO ISANG ARAW WALA KASING MAGAWA EH.. HINDI KO NA ALAM. MARAMI AKONG NAKILALA, IBAT-IBA.. SARI-SARI.. NANJAN UNG HANDANG MAKINIG SAYO, NANJAN UNG LAGING NAGBIBIRO.. NANJAN DIN UNG PROBLEMADO.. LOL. UNG PALAGING BIDA SA KWENTUHAN.. UNG PAYABANGAN BA... LOL DI NAMAN NAWAWALA UN EH..PERO SINO NGA LANG BA ANG MASASABI MONG "KAIBIGAN"?? IKAW CNO BA ANG KAIBIGAN MO---Janelle

Sunday, April 24, 2011

Till I found You

Hindi ako makatulog kaya naman naisipan kong gumawa ng kahit ano(para malibang/mapagod at para makatulog.) Una akong nanood ng Kdrama, which I often do when I'm bored, but unfortunately eh tinamad din akong manood kaya sabi ko eh maghahanap nalang ako ng ibang gagawin. I plan on doing photography, pero just thinking of doing the set up eh parang nakakatamad(sa mga hindi po nakakaalam eh tamarin akong tao!hehe) Anyway, that leave me with one option...KARAOKE! Yes, this late(1:30am) sana lang di magising yung mga kapitbahay namin.hehe I sang a few songs(songs that I usually sing), then came across with Freestyle's 'Till I Found You.' I heard that song before, pero di ko naman masyado naunawaan yung meaning nung song not until tonight o ngayong madaling araw.

I was ready to sing the song, pero nung nakita ko yung unang sentence nung kanta nasabi ko... 'damn, bakit ganon?' Anyway, kinakapa ko pa yung kanta kasi nga di naman ako masyado familiar dun sa song, kaya sinasabaya ko lang yung tempo nya. Then came the chorus, 'I never had somebody I could lean on, I never had a shoulder I could cry on.' upon reading it, I paused, hingang malalim and told myself, 'Where have you been hiding?' I stopped singing at binabasa ko nalang yung lyrics ng song kasi parang naapektuhan ako(o baka nga naapektuhan ako), sa mga taong kilala ako, alam nila na I go for the lyrics than the rhythm kaya nga yung mga close friends ko eh di masyadong gusto yung nasa ipod/cd na meron ako kasi hindi sila nagagandahan. Anyway, I just felt like venting out(masyadong mahaba para i tweet eh) kaya dito ko nalang inilabas since wala namang nagbabasa nito.hehe

Anyway, kung binabasa mo to, eh pakinggan mo at baka maka relate ka din(kung sino ka mang bored at nagbabasa ng blog na walang kwenta!hehe) I'll post the link para di ka na mahirapan maghanap pa sa youtube.hehe

P.S. Salamat sa pakikinig at pagbabasa kung sino ka man! :)

Monday, April 18, 2011

Train!

I recently bought Train's album(Yes,  I don't support piracy!hehe) and I have to admit that I was really impressed with their album especially those songs that I have to put on repeat kasi maganda talaga. I believe there are 17 songs in the album including Rhianna's hit 'Umbrella.' So, what made me decide to get their album? Before I answer that question, kwentuhan ko muna kayo kung paano ko natagpuan ang Train. Well, never heard of them before. Hindi ko nga alam na sila pala ang kumanta ng soul sister eh.hehe I was listening to KRBE tapos this one song caught my attention(Marry me) ang ganda kasi ng lyrics tapos yung beat nya ay maganda din. So, pagtapos nung song, hinanap ko sya(napaka hirap palang mag hanap ng kanta especially pag wala kang info na alam) mabuti nalang at natandaan ko yung isang sentence ng song kaya nahanap ko sya at sila pala ang Train! I've decided to check their songs on Youtube, at nagustuhan ko sya. In fact, I was so amazed with their songs that I wanted to buy their album kaagad agad kahit alas kwatro na ng umaga.hehe Anyway, kung wala pa kayo ng album nila, do yourself a favor and get your copy---hindi kayo magsisisi! Oh, track 5(this ain't goodbye) is <3 :)