Idol ko si Bob Ong dahil magaling syang magbigay ng mga advices lalo na't patungkol sa pagibig. Dahil ako'y minsan na ding umibig at nabigo, naisipan ng inyong lingkod na gumawa din ng mga verses ala Bob Ong. Gusto ko lang pong linawin ng lahat ng mga mababasa nyo ay kathang isip ko lang, at ngayon ko lang talaga naisip(habang nagta-type) kaya kung may mga linya na hindi nyo maintindihan ay....PASENSYA NA PO!!!
1. Kung gusto mo sya at gusto ka nya ay mag-gustuhan kayo. Mahirap yung pakipot pa kayo parehas dahil ang taong mga pakipot....nag aamoy ipot!
2. Hindi sa lahat ng panahon ay pedeng maghintay. Minsan kelangan mo ding kumilos para hindi ka maunahan ng iba. Sabi ko nga, ang taong mabagal pinaglihi sa.....pagong!
3. Ang buhay parang laro. Minsan panalo, at minsan ay talo. Anong gusto kong iparating? Simple lang...maglaro ng bingo!
4. Huwag mong lalabanan ang mga nagpa-iyak sayo bagkis ay unawain ang mga ito. Bakit? Sige, subukan mo lang kalabanin ang magulang mo...ewan ko lang kung saan ka pulutin!
5. Maraming bagay sa mundo ang hindi madaling intindihin. Kaya kung ako sayo ay akin nalang itong ititigil isipin. Bakit? 4x7(2x+7z+a2) +1238712 - 1a(4x+5aX8a+6) / 88az(123z+6xa+8a) =? Ano naintidihan mo?
Friday, October 29, 2010
Saturday, May 29, 2010
Simpleng kwento!
Ilan laman ito sa mga kwentong hindi ko inaasahang matawa ang mga kausap ko!
1. Kwento sa pagitan naming mag-ina.
Andjo: Mom, ang saya saya ko!
Mom: At bakit naman?
Andjo: Nakapulot kasi ako ng pera eh.
Mom: Talaga? Magkano?
Andjo: $10
Mom: Wow! Saan?
Andjo: Sa kotse mo!
2. Kwento sa pagitan naming magkaibigan.
Kaibigan: (habang nagsasagot ng HW) 9x2=18 diba?
Andjo: Depende sa gusto mo!
3. Habang magdo-donate ng dugo.
Kaibigan 1: Magdonate tayo ng dugo para may free t-shirt tayo!
Kaibigan 2,3: tara!
Kaibigan 2: Di ba dapat hindi kumain para makapag donate?
Kaibigan 1,2,3: Oo nga noh? pero ask nalang muna natin sila para sure tayo.
Kaibigan 1: (Nagtanong sa taga kuha ng dugo kung pedeng magdonate kahit hindi pa kumakain.)
Taga kuha ng dugo: Nope, dapat kumain kayo ng breakfast para pag nag-donate kayo eh hindi kayo mahilo.
Kaibigan 1,2,3: Babalik nalang po kami.
Taga kuha ng dugo: ok.
Andjo:(biglang sumingit), si Kaibigan 3 kumain na madami ngayon breakfast, nagdala pa nga ng cookies pagpasok eh.
Kaibigan 3: Hindi kaya, wala pa nga akong kinakain eh.
Andjo: Ah hindi pa ba? kala ko kasi dessert mo na yun eh!
4. Payabangan naming magkaibigan dahil sa bagong biling kotse.
Kaibigan: Tol, wala ka sa kotse ko ang bilis at ang sarap i-maneho.
Andjo: Oh talaga? Iba talaga pag bago yung kotse noh?
Kaibigan: Hindi naman, eto lang talaga yung dream car ko.
Andjo: At least nakuha mo yung dream car mo, ano pa bang meron dyan sa kotse mo?
Kaibigan: May sun roof, automatic yung dashboard at leather yung seats. iko-customize ko pa nga to eh! yung sayo ba di mo na kelangan susian para magstart?
Andjo: Di ako sure eh, ganito ba yun?(sumakay kami sa kotse ko para tingnan)
Andjo: eto ba yun tsong(tinuro yung susian ng kotse)
Kaibigan: Kelangan susian yung sayo eh.
Andjo: ah, wala ako nun. Pero meron ako nito na wala yung sayo(may tinurong pindutan)
Kaibigan: Ano yan?
Andjo: pindutan!
Kaibigan: para saan? parang wala ata ako nyan!
Andjo: Para i-eject palabas yung mga katulad mo!
5. During class.
Andjo:(talking to classmate)
Prof: Caught Angelo talking.
Prof: Angelo, since you're talking, do you know what interferon does to our body?
Andjo: Well, not really sure, but I know someone who does.
Prof: Who?
Andjo: You!
Friday, February 5, 2010
Seryosong usapan!
ahhhhhhhhh
ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
hmmmmmmmmmmmmmm.....
salamat sa oras na binigay nyo sa pagbabasa ng entry kong ito titled "seryosong usapan!"
Saturday, January 30, 2010
Malikhaing isip
Medyo matagal na nung huling nag post ako ng entry, kaya naisipan(actually, ngayon pa lang ako nagiisip) ng magandang konsepto para sa entry na ito. Ano ba sa tingin nyo ang magandang konsepto na magugusutuhan ng aking mga avid readers?(yung apat ulit, read my first entry to know the history of my 4 avid readers!)
"Nagiisip ng konsepto"
Sadya palang mahirap magisip ng mga bagay na sasabihin,
tulad ng pag-gawa ng entry na inyong babasahin,
marahil magtataka kayo kung saan pupulutin,
ang walang kwentang entry na ngayon ko palang gagawin.
Marami na akong nabasang entries na tungkol sa personal na buhay,
pagibig, pamilya, kaibigan ng mga taong makulay ang buhay,
kaya naman para maiba sa mga nagawa na ng iba,
hatid ko'y isang tula para sa inyong mga nagbabasa.
Ano bang ginagawa mo sa blogsite kong ito?
iniintidi mo bang mabuti ang mga binabasa mo?
kung ikaw ay isa sa mga kakilala ko,
sigurado ako'y may patutsada sayo!
Marahil ngayon walang kwenta ang buhay mo,
dahil pinatulan mong basahin ang tula kong ito,
pero salamat na din sa oras na ginugol mo,
at bilang ganti, susubukan kong kayo ay mapatawa ko.
Kung sa mga oras na ito ay wala kang magawa,
kumuha ng baril at iputok sa mukha,
malas mo lang pag sa putok ng baril ay ika'y makaligtas,
dahil sigurado mukha mo ay butas butas.(walang kwentang banat!)
Kung tinatamad ka namang gawin ang inutos sayo ng magulang mo,
bakit di mo subukang sakalin ang mga ito,
malas mo lang pag sila'y nakaligtas sa sakal mo,
dahil sigurado hindi lang latay ang abot mo!(susmaryosep, anong nangyari sa humor ko?)
Kung hinihintay mo namang matapos ang niluluto mo,
bat di mo subukang lakasan ang apoy ng gas stove nyo?
medyo konting ingat lang kaibigan kung ito'y gagawin mo,
baka kasi matupok ng apoy ang bahay nyo.(at least may concern ako sa inyo!)
Kung sa mga nabanggit ay wala kang nagustuhan,
subukan mong tumalon mula taas hanggang baba ng inyong hagdan,
kung sa pagkakataong wala kayong hagdan,
subukan mong lumbas at magpakasagasa sa daan.
-bow :)
Salamat ng marami at kahit papaano ay tinapos nyo ang napaka walang kwentang entry na ginawa ko ngayong araw na to. Bumisita lang kayo lagi, kasi malay nyo magseryoso ako!(yeah right!lol)
Subscribe to:
Posts (Atom)