Friday, October 29, 2010

Quotes ala-Bob Ong.

Idol ko si Bob Ong dahil magaling syang magbigay ng mga advices lalo na't patungkol sa pagibig. Dahil ako'y minsan na ding umibig at nabigo, naisipan ng inyong lingkod na gumawa din ng mga verses ala Bob Ong. Gusto ko lang pong linawin ng lahat ng mga mababasa nyo ay kathang isip ko lang, at ngayon ko lang talaga naisip(habang nagta-type) kaya kung may mga linya na hindi nyo maintindihan ay....PASENSYA NA PO!!!

1. Kung gusto mo sya at gusto ka nya ay mag-gustuhan kayo. Mahirap yung pakipot pa kayo parehas dahil ang taong mga pakipot....nag aamoy ipot!

2. Hindi sa lahat ng panahon ay pedeng maghintay. Minsan kelangan mo ding kumilos para hindi ka maunahan ng iba. Sabi ko nga, ang taong mabagal pinaglihi sa.....pagong!

3. Ang buhay parang laro. Minsan panalo, at minsan ay talo. Anong gusto kong iparating? Simple lang...maglaro ng bingo!

4. Huwag mong lalabanan ang mga nagpa-iyak sayo bagkis ay unawain ang mga ito. Bakit? Sige, subukan mo lang kalabanin ang magulang mo...ewan ko lang kung saan ka pulutin!

5. Maraming bagay sa mundo ang hindi madaling intindihin. Kaya kung ako sayo ay akin nalang itong ititigil isipin. Bakit? 4x7(2x+7z+a2) +1238712 - 1a(4x+5aX8a+6) / 88az(123z+6xa+8a) =? Ano naintidihan mo?

No comments:

Post a Comment