Sunday, January 23, 2011

Effort!

Hindi ako pala effort na tao,
mahirap kasi kung aabusuhin ito,
kaya sana lang isipin mo,
na importante ka kaya nagagawa ito.

Sa mga nagdaang araw ako'y naging masaya,
lalo na ng lubos kang nakilala,
sana sa hinaharap ay maging tayo, sinta.
kung di naman ay pasensya na.

Sadyang magulo lang akong tao,
kaya salamat sa pasensya mo,
kaya kung saan man abutin ito,
lagi mong tandaan na nandito lang ako.

May mga panahong maiinis ka sakin,
at di maiiwasan na ako ay isipin,
marami ding tanong na kailangan sagutin,
handa ko naman itong harapin.

sa ngayon ay dito lang muna tayo,
para na din hindi mabulilyaso,
kung ano man ang ating magiging plano,
ikaw at ako, sana tayo'y pareho!

No comments:

Post a Comment