Sa dami ng nag request na sundan ko agad ang una kong na i-post sa blogsite na ito, napag-pasyahan ko na muling sumulat at pasayahin ang aking mga avid readers(yung apat ulit!). Pero dahil na din sa kagipitan ng oras ay napag-desisyunan ng inyong abang lingkod na gumamit ng mga bagay na pedeng makapag-bigay impormasyon sa mga taong medyo mababa ang IQ lalo na sa mga gamit sa kanilang paligid.
Babala: Galingan ang pagiwas at baka matamaan... Masakit, ikaw din!
Marami akong bagay sa aking kwarto(kung saan sinusulat ng inyong abang lingkod ang entry na ito), na hindi ko alam kung saan ko pedeng gamitin. Ang iba kasi sa kanila ay medyo may kalakihan, ang iba naman ay medyo maliit katulad ng tindera ng ulam sa lugar namin sa Pilipinas na itago nalang natin sa pangalang...INDIT(kung asan ka man ngayon, pasensya na wala lang akong maisip na mas maliit pa sayo--therefore, I am sorry!-----> :(
As I have said(at English talaga dapat?), maraming bagay sa kwarto ko na kelangan kong tuklasin para na din sa kaayusan ng nasabing silid. May mga bagay kasi dito na sa mata ng iba ay pedeng palamuti lang pero ang hindi nila alam ay pede palang gamitin sa ibang bagay.
kaya naman samahan nyo ako(Oo, kayong apat!), at tuklasin natin ang mga bagay sa aking kwarto na sa tingin ng ilan ay walang kwenta ngunit may ibang gamit pala. Handa na ba kayo?(Ang kulit, sinabi ng kayong apat ulit!), tara na at tuklasin nating sabay sabay ang hiwaga sa likod ng mga gamit sa aking paligid!
(naghahanap ng gamit...magbabalik)
Eto ang mga gamit na aking nahanap.
1. Picture Frames
2. Deodorant
3. Cabinet
Maraming magsasabi na sa mga bagay na aking nabanggit ang lahat ng tao ay alam kung saan ito gagamitin, ngunit ang hindi nila alam(dahil nga mababa ang I.Q. level at kulang sa gatas na galing sa dodo ng cow) ay hindi nila ma-maximize o itodo ang level ng mga kagamitan na ito. Bilang abang lingkod(syempre para sa inyong apat!) ay gusto kong i-demonstrate sa inyo ang mga pede pang ibang gamit na nasabi sa itaas. Lalagyan ko ng bilang para hindi ma-confuse ang mga magbabasa(kung sakaling may iba pa sa inyong apat!) na medyo mababa ang mga IQ level sa kadahilanang kulang nga sila sa gatas na galing sa dodo ng cow.
1. Picture Frames
-Siguro alam nyo na ang pinaka-importanteng gamit ng bagay na ito, pero para sa mga low IQ levels, ang bagay na ito ay ginagamit upang lagyan ng kahit na anong uri ng larawan na pedeng isabit sa ding-ding ng ating mga kwarto o kung saan mang ding-ding sa inyong bahay, pede din itong ipatong sa lamesa, sa countertop, o kahit saan mang pedeng pag-patungan huwag lang sa babae at baka mahirapan silang mangnak dahil ang iba sa mga ito ay may mga screws at baka sumabit sa kanilang **** na pedeng ikasugat nito(paumanhin sa mga bata ngunit ako'y nag-papa-alala lamang). Pero bukod sa orihenal na gamit nito, alam nyo bang ito ay pede ding gawing panangga sa mga kaaway? Oo, pede itong maging shield kung sakali mang may gagambala sa iyo. Mapa-tao, hayop, insekto, o kahit tumitilamsik na langis sa inyong pag-piprito ng lechon kawali man ay pede itong maging panangga para na rin sa inyong kaligatasan.
Halimbawa, kung sakaling paglabas nyo ng bahay ay may malaking aso na pasugod sa inyo, kuhanin lamang ang picture frame na may litrato ng pusa at ibato ito sa aso na pasugod sa inyo, para sa halip na kayo ang lamunin ay mababaling ang atensyon ng aso sa picture frame na may kalakip na larawan ng pusa(Paalala lang, wag lang si Garfield dahil alam ng mga aso na duwag ito.)
Bukod dito, ang isa pang pedeng gawin sa mga picture frames ay "for identification" kung sakaling manakaw ang wallet nyo habang kayo'y nasa kahabaan ng daan, at kayo'y papasok sa opisina, eskwelahan, o sa mga govt agencies, at kinakailangan nila ng identification upang kayo'y papasukin; huwag mag-atubuling ipakita ang picture frame na kalakip ang inyong larawan at ipakita ito sa gwardia at sabihing kayo'y nanakawan at mas pinili nyong huwag ibato ang nasabing bagay sa mga magnanakaw dahil mas mahal nyo ang trabaho nyo kesa sa wallet nyo na wala namang laman kundi ang picture ng crush nyo nung elementary.(Paalala, kung sakaling hindi tanggapin ng gwardia ang picture frame for your identification, huwag mag atubiling ihampas sa gwardia ang nasabing picture frame at tumakabo parang mga magnanakaw para makapasok kayo sa opisina ng oras at hindi masabihang ng inyong boss na ika'y late!)
2. Deodorant
-Bukod sa orihenal na gamit nito, ang deodorant ay pede ding maging sangkap sa mga pagkain. Marahil ang iba sa inyo ay mag-tataka kung bakit nasabi ng inyong abang lingkod iyon, ngunit ang totoo nito, maari ngang gamitin ang deodorant(take note, any kind will do), na gawing sangkap ito sa pagkain.
Halimbawa, ang isa sa mga anak nyo ay hindi kumakain ng paksiw at ang tanging pagkain nyo ng araw na iyon ay paksiw na pata, huwag mag-atubiling ipagtabi ang anak nyo sa isang mangkok ng paksiw na pata at isawsaw dito ang nasabing deodorant upang mawala ang pagka-asim nito. Alam naman ng lahat(bukod sa mga low IQ levels), na ginagamit ang deodorant sa kili-kili upang hindi ka mangasim kahit pa na ikaw ay pawisan. Pede din itong gamitin sa Bagoong, Alamang, Patis, at Durian upang mawala ang pagiging mabaho ng mga nasabing pagkain.(Paalala, huwag gamitin sa bunganga at baka masira ang ngipin sa kadahilanang ito ay deodorant at hindi mouthwash!)
3. Cabinet
-Bukod sa lagayan ito ng mga damit at kung ano-ano pang bagay, ang isa pang gamit nito ay taguan ng kahit na ano mang nais mong itago.
Halimbawa, Ikaw ay may misis na sobra ang ganda at sya'y pina-pantasya ng maraming kalalakihan sa inyong lugar. Itago lamang ang iyong misis para sya'y hindi makita at muling ilabas kung sya'y gagamitin mo na. Para naman sa mga misis na may mga gwapong minamahal na lalaki(kagaya ng inyong likong) kusang loob lamang na itago nyo ang inyong mga sarili sa kadahilangan ayaw kayong makita ng mga gwapo nyong asawa dahil sa itsura nyo(at kung pede, ay wag na din kayong lumabas ng cabinet at hayaan nalang ang inyong mga mister na maghanap na maayos na aasawahin!).
Gusto ko lang ipaalala na ang lahat ng inyong nabasa ay pawang mga suhestyon lamang ng inyong lingkod at nasa inyo ang desisyon kung iyon ay susunduin nyo(though I would recommend doing number 3 para sa mga lalaki) lalo na kung may agresibo kang asawa at putak ng putak dahil sa gwapo ka at sayo'y maraming nagpapantasya. Ilagay lang ang misis sa cabinet para tumigil ang pagputak nito, kung sakali mang medyo healthy ang inyong asawa at hindi magkasya sa cabinet, hintayin ang pagkakataon na akmang aakyat paitaas ang inyong misis sa hagdan at itulak ang cabinet towards her para makasigurado kayong hindi na ito makaka-putak pang muli at maari nyo ng gawin ang mga bagay na gusto nyo dun sa mga nagpapantasyang ibang mga babae.
Ilan lamang yan sa mga bagay na may ibang gamit. Pag nagkaroon ulit ako ng oras ay maghahanap pa ulit ako ng iba na pedeng gawing sandata, panlahok sa pagkain, o dili kaya'y safe box.
at dyan nagtatapos ang isang lathala para sa impormasyon ng mga taong mababa ang IQ levels sa kadahilanang kulang ang kanilang paginom ng gatas na galing sa dodo ng cow!
No comments:
Post a Comment