Babala: Wag iinom, kakain, magyoyosi, habang binabasa ang paksang ito...(wag nyong sabihing hindi ko kayo pinagbawalan huh?)
Noong araw ko pa hilig gumawa ng mga kwentong walang katuturan. Eto yung mga mga kwentong nasasaksihan ko araw-araw. Ang iba sa kanila ay masaya ang kwento, ang iba nama'y parang maikwento nalang.
Bihira akong matawa sa mga binibitawang jokes ng mga nakakahalubilo ko, lalo na pag alam kong scripted ang mga sinasabi nila. Karamihan kasi sa mga jokes nila eh narinig ko na sa iba o kaya naman wala talaga silang timing pag nagbibitiw ng mga linya nila kaya ang siste "nakakatwa ang sinabi ko diba?" nakakaawa mang sabihin pero "HINDI EH!"--sorry.
Malimit akong matawa sa mga salita o linya na hindi sinasadyang sabihin, yung tipong basta nalang nasabi. Kagaya nalang nung nangyari kanina sa restaurant na kinakainan namin ng nany ko. Umorder kasi kami parehas ng tig-isang noodles at sandwhich. Habang ako'y sarap na sarap sa paghigop ng mainit na sabaw, nagulat nalang ako ng sinabi ng nanay ko na.."Anak, mali ata ang na order ko kasi medyo maanghang ang napili ko. Eh alam mo namang wala akong hilig sa spicy foods diba?" Bilang anak, nag-offer ako sa nanay ko na magpalit nalang kami ng noodles na kinakain. Laking gulat ko nung sabihin sakin ng nanay ko na..."Anak, ayaw ko na ata kasi sumasakit ang gilagid ko!" Anak, ng pucha naman, sino ba namang hindi sasakit ang gilagid kung makit mong may piraso ng sili na nakapatong sa gilagid nya? Nakakaawa mang aminin pero minsan ang akala nating malungkot na pangyayari ay nakakatawa pala!
Nung nag-bakasyon ako sa pinas last July, pumunta ako sa MOA para maki-pagkita sa mga dati kong klasmeyts. Habang hinihintay ko sila, lumabas muna ako saglit para magyosi. Nagulat ako ng may kumalabit sakin. Makinis ang balat nya mula ulo hanggang paa. Maganda din ang pagkaitim ng buhok nya na tamang tama sa maputi nyang kutis. Sa isip-isip ko, ang ganda naman nya! Laking gulat ko nung marinig ko ang boses nya "Pare, may yosi at lighter ka ba?" Pucha, lalaki pala sya! Nalungkot ako sa kanya dahil alam ko ang diskriminasyon na nagaganap sa mga taong bakla, pero di din mawala sa isip ko na sinong lalaki ang papatol sa kanya gayung ni pambili ng yosi at lighter sya'y wala?!! Naawa man ako sa kanya bilang bakla pero ang realidad na bukod sa sya'y bakla at walang pera ay mas nakakatuwa!
Nakita ko ang kumpare ko na parang ang laki ng problema. Nakatingin kasi sya sa kisame na parang may malalim na iniisip. Nagulat ako nung makita ko na nakapasok ang daliri nya sa ilong nya. Pucha nangu-ngulangot pala sya! Ang masama pa nito, hinlalaki ang ginagamit nya. Naawa ako sa ilong ng kumpare ko kasi parang hindi kasya sa ilong nya ang ginagamit nyang daliri, pero natawa ako sa kadahilanang dahil sa pag-gamit nya ng nasabing daliri ay lumalaki ang butas ng ilong nya!
Kaninang hapon ng magpapagupit ako, tinanong ako ng stylist kung anong gusto ko. "Ahmmmmmmmm, whatttttt this(pointing at my hair) you like?" Hindi ko sya masyadong naintindihan sa mga sinasabi nya pero nag explain pa din ako about what I wanted. Nabigla ako kasi OO lang sya ng OO tapos mamaya-maya ay may dala na syang magazine at sabay turo ng..."This or this?(pointing at the magazine this time)" Hindi ako nakapalag sa expression nya kaya tinuro ko nalang ang una kong nakita. Natawa ako sa ginawa ng stylist na hindi ganun karunong magsalita ng English, pero nalulungkot din ako kasi ako ngayon ang pinagtatawanan dahil sa gupit ko!
Bihira kaming magusap ng seryoso ng mga pinsan ko, pati sa paltukan namin ng emails eh puno nakakatawang balita ang nababasa ko. Isa na siguro sa pinaka-nakakatawang usapan namin na hanggang ngayon eh pinagtatawanan ko pa din ay yung tungkol sa isa naming kamag-anak. Sya ay naki-pagusap sakin about sa climate ng Texas na dinalihan ako ng "Teka, paano naging ganun ang climate sa Texas? Gawa ba yun ng electric current, flow of charges, electrons, protons, or neutrons?" Nawindang ako nung kausap ko sya kaya humingi ako ng saklolo sa isa kong kaibigan. Bago ako tuluyang umalis sa paguusap naming tatlo, ang huling dinig ko na pinag-uusapan nila ng kamag-anak ko ay tungkol sa varicose veins, ano laban kayo?
Nag sabi ng problema ang kaibigan ko, dinamayan ko naman sya at nagkwento na din ng buhay ko. Narinig ko na umiiyak sya pero dedma lang at patuloy sa pagke-kwento. Maya-mayang konti nag excuse ako, tinanong ng kaibigan ko kung bakit ako nag excuse, ang sabi ko may huhugutin lang ako. Na curious ang kaibigan ko at tinanong kung ano ang huhugutin ko. Sabi ko yung spaghetti sa ilong ko. Natawa sya kahit na nasira ko ang moment ng pagiyak nya, nalungkot ako kasi ang haba ng pasta na hinugot ko mula sa ilong ko!
Sa pagtatapos ng kwento ko, biglag pumasok sa isipan ko ang isang kaganapan nung nagbakasyon ako. Tungkol ito sa batang nakipaglaro sa akin ng sipa. Nakaka-manghang isipin na sa murang edad eh ang lakas ng loob na hamunin ako. In fairness sa kanya nung panahon na iyon kasi naka todo gear sya nun. May sapatos, head gear, at pati na din wristband. Naawa ako sa kanya kasi hindi sya makaisa sa akin pero natawa din ako kasi nung time na ako na ang taya sa sipa eh tinawag na sya ng nanay nya at umuwi na daw at gabi na!
Naawa ako sa bata pero natuwa kasi hindi ako magiging taya.....
P.S. Sa dami ng nag-request(mga apat!) ay magkakaroon ng part II ang iyong binasa. Hangad ko na nagustuhan nyo ang isang pangyayaring hindi gaano kaganda! ;)
No comments:
Post a Comment